Huwebes, Setyembre 5, 2013

"Buhay ng Isang Iskolar''

Sakripisyo.. Pagtitiis.. Pagod

Ilan lang sa mga dinaranas ko bilang isang iskolar at estudyante ng La Verdad Christian College.
Tila isang pakikipaglaban ang aking ginagawa maabot ko lamang ang aking pangarap at makapanatili sa paaralang ito. Marami ang gusto mapabilang, ngunit kaunti lamang ang nakakapasa at tawaging isang ganap na "Iskolar ng Bayan".

Ang aking responsibilidad ay may kaakibat na pagtitiyaga. Di maikakaila na ang pagiging isang iskolar ay mahirap lalo na sa panahon natin ngayon na ang mga magulang ay isang kahig, isang tuka ang pamumuhay, ang pag-aaral ay mahirap lalo na kapos sa pangangailangang pinansyal at gabay ng mga magulang. Kaya ang pagiging iskolar sa paaralang ito ay oportunidad na minsan lang makamit.

Iisa-isahin ko ang hinaharap ko bilang isang iskolar...

Proyekto, Asignatura, at mga pagsusulit na kung minsan hindi mo man lang nabasa sa iyong kwaderno at marami pang iba. Minsan nga tinatanong ko ang aking sarili kung kaya ko pa ito, pero laging sumasagi sa king puso at isipan "Kaya ko to sa Awa't tulong ng Dios at sa gabay ng aking mga mahal sa buhay. Nandito ako sa Paaralang ito bilang isang ehemplo sa paghubog ng aking talento at maging isang propesyunal na kabataan ng ating lipunan.

Sa aking pagbibigay pansin sa aking pag-aaral, nakakaranas ako ng mga magagandang komento sa mga guro, merun naman masasakit ngunit alam ko sinasabi lamang nila ito ay para matutuo kami sa aming mga pagkakamali. Ang sarap sa pakiramdam ng ganito, Sana ganito na lang palagi ang aking nararamdaman.

Ngayon na nasa Ikalawang Yugto na ko ng kolehiyo, Marami na ring nagbago sa akin bilang isang tao. Natuto na ko sa aking mga pagkakamali na ayoko na ring danasin, gusto ko ng panibagong istorya ng buhay kasama ang aking mga kaklase, guro at mga kapatid at sa pangunguna nina Kapatid na Eli, at Kapatid na DaƱiel na kung di dahil sa Institusyon na ito maari hindi ako tatawaging isang "Iskolar".

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento