
Ginawaran ng Parangal ang Radio La Verdad 1350 khz sa katatapos lamang na Gandingan 2013 Isko’t Iska’s Broadcast Choice Awards ng University of the Philippines (UP) Community
Broadcasting Society ng Los Baños, Laguna.
Ito ang kauna- unahang parangal na natanggap ng Radio La Verdad 1350 sa parangal na ito ay tinaguriang Best Development Oriented Radio Plug at Public Service ang Mass Blood letting Program na ginagawa ng UNTV, sa Pangunguna ni Bro. Eli Soriano at Bro. Dañiel Razon.
Nagpasalamat naman si Ms. Annie Rentoy, ang Station Manager ng Radio La Verdad sa lahat ng tagapakinig at sumusuporta sa istasyon. Ang pagpili ng mga mananalo dito ay dumaan sa isang botohan at pinapanood ito ng mga estudyante na sila rin mismo ang bumubuto.
Napili ang Radio La Verdad dahil sa mga panukala at magagandang programa nito na nakakatulong sa mga tao sa pamamagitan ng mga public service tulad ng Clinic ni Kuya, Libreng sakay, Mass Blood Letting, at Libreng pag-aaral sa mga kabataan na walang kakayanan ang mga magulang at Isa ako sa sa mga Iskolar nina Bro. Eli at Bro. Dañiel. Maaring masabi nila na baguhan ang mga programa sa UNTV, pero masasabi natin na dekalidad ang lahat ng programa dito.
Salamat sa Dios!