Sa paglipas ng Panahon marami tayong nakakasalamuhang problema at pagsubok sa ating buhay na hindi natin maiiwasan. Hindi lingid sa kaalaman ng mga taong nakapaligid sayo ang tunay mong nararamdaman, ngunit sa kabila ng pangyayaring ito merun tayong masasandalan, ang tinatawag nating " Tunay na Kaibigan"
Lumipas ang apat na taon ng ipalabas ang kauna-unahang Pelikula ni Kuya Daniel Razon na Isang Araw lang The Movie. Dahil sa likas na matulungin sa kapwa, at mapagmahal sa kanyang mga kaibigan hindi rin maiiwasan na walang mainggit o magalit dahil sa kanyang mga paggawa, pagtulong at pagtama ng mga maling pamamahala sa kanilang lugar.
At ngayon napapanahon na dapat nating saksihan ang hindi pantay at marapat na hustisya sa mga taong ibig lang nila ibagsak, Ngunit ang Tiwala at habag ay nasa Dios at magkakamit ng tunay na katarungan pagdating sa buhay na inaasam ng lahat ng nilalang sa mundo, ang buhay na walang hanggan.
Narito muli ang ating Kuya Daniel Para sa pelikulang ISANG ARAW, na naglalayon mamulat ang tao sa maling pamamalakad ng mga taong may mataas na katungkulan sa ating Bansa, makahanap ng masasandalan sa pamamagitang ng mga TUNAY NA KAIBIGAN na ang layon ay maiayos ang buhay at gumawa ng mabuti na hindi naghihintay ng kapalit.
Sa lahat ng ating nararanasan ngayon probema at kalamidad, Nakakapagbigay sa atin ng paniniwalang may Dios na handang umalalay sa ating pagkahulog, Kahit wala kang salapi sa iyong bulsa maswerte ka dahil may Dios ka sa buhay na handang umagapay at iahon sa iyong pagkabagsak.
ISANG ARAW magkakaroon ka rin ng mga TUNAY NA KAIBIGAN.........

